9/06/2007

Ang INgay ng Girl sa ABS pag 1 am na...

Umulan kanina... nang malakas na malakas. Pati ang palda ko napaangat. Tsktsk. Tapos bigla na lang namimicture. Sus na lang... Baha pa talaga... Kung di ba naman ako ganun kasuwerte... sa oras na nasa labas na ako ng pinto ng office para magpaalam at umuwi, bigla na lang... ssssssshhhhjjjjjjshhhhhhshjjjjjjjj.... umulan ng umulan.... Bumili ako ng oreo dahil gutom na ako... Paglabas ko ng NCX palakas ng palakas... Napadpad ako sa taksi na airconditioned. Haaay... Nakarating ako sa aming garahe. Sumabay ako kay tatay pauwi ng bahay. Habang naglalakad kami, akala ko tapos na, pero nagsisimula na naman. Mahal siguro ako ng ulan... kasi saka siya pumapatak pag nasa labas ako... Pero at least, nakapaglakad kami ng tatay ko pagkatapos ng maraming araw na di kami nagkausap. At least, nagkasama kami kahit sandali. Si tweety naman, parang nasisiraan pag nakikita ako. Ang gulo at ang kulit. Nakakasira ba ako ng ulo? Hihihi... atik lang...
Mmmmm.... binilang ko kung ilang araw na lang bago ang birthday ko... ewan ko kung tama ah... meron akong 68 days para gawin na ang lahat bago ako maging ganap na babae..hihih.... plano ko nga sana na magkaroon ng 13-day program para sa aking sarili. 13 days bago ang araw ng aking birthday dapat nakagawa ako ng 13 good things sa aking listahan. Oh diba.. naghahanap lang ako ng masayang gagawin... excited na ako. ;)

No comments: