Kabangis: Magandang gabi sayo, Kagubot. Redi na ba ang meeting place?
Kagubot: Kanina pa ako redi, mahal naming Kabangis. Kagaya ng sinabi mo, niredi ko ang ating session hall para sa meeting ngayon
Kabangis: Alas-onse na ng gabi, pero asan na ang mga kasama natin? Maabutan tayo ng curfew nito.
Kagubot: Alam mo naman ang mga ugali ng mga kasama natin na kahit pano pa natin sila disiplinahin, hindi talaga sila pupunta sa tamang oras.
Kabangis: Lecheng yawa! Lagi na lang tayong nag aantay sa mga kagwang (expression) na to! Hindi ba, meron tayong agreement na motion na ang malate merong fine na 100 pesos.
Kagubot: Ewan ko lang kung magbabayad itong mga leche. Sayang lang ung pag-agree natin sa motion na iyon.
Kabangis: Ay ewan ko kagubot paano magkaron ng punctuality tong ating mga sakop. Mga pangulo kuno, pero parang baka na laging hinihila.
Kagubot: Paano naman kasi mahal naming kabangis, busy kasi talaga yan sila.Tingnan mo nga ang dami ng kanilang mga parokyano na nagspread sa whole world.
Kabangis: Bakit pala tayong dalawa, wala ba rin tayong ganon ka daming work? Wala din ba tayo nanggaling sa malayong lugar? Ang tigas lang talaga ng ulo nitong ating mga sakop. Pweeee! Kung hindi lang tayo i-curse (makarma), ipakukulam ko talaga tong mga tonto.
Kabangis: Naredi mo na ba ang ating pang snacks, kagubot?
Kagubot: wala pa boss, ihahanda ko pa.
Kabangis: Ay kagaya ka lang sa kanila na iresponsable. Bakit di mo hinanda kanina?
Kagubot: Pano kasi, busy man din ako masyado.
Kabbangis: Busy sa iyong noo! (expression) Pareho pareho lang talaga kayong mga matitigas ang ulo. O ano man ang ihahanda mo para sa snacks natin?
Kagubot: Barbecue na atay ng tao at apdo sandwich na binabad sa sili.
Kabangis: Ang sarap sarap naman pala ng iyong inihanda. Sige, pumunta ka na sa ihahanda mo.
(alis kagubot pasok si kahakog)
Kahakog: Magandang gabi sayo, mahal naming kabangis. Naririto na ang bantog mo na alipin.
Kabangis: Ay salamat sa yawa, dumating ka na rin. Ang tagal mo. Pasado na alas 0nse ng gabi.
Kahakog: Pano kasi, senyor, na dami pa man akong inasikaso. Sobra na nga ang aking overtime dun sa Europe. Kaya hindi ko kaagad natupad ung quota para sa bwan na ito.
Kabangis: Redi na ba ang report mo?
Kahakog: Di pa nga eh. Kaya nga siniguro ko na marating ng maaga para ipatype ko kay BOtsie!
Kabangis: Sinong Botsie?
Kahakog: Si Kagubot ba. Iyan daw kasi ang gusto niyang nickname.
Kabangis: Anong ipa-type kay Botsie na ang dami pa nyang gagawin. Sira ka talaga Kahakog kasi ang makasarili ka masyado. Gusto mong solohin si Botsie. Uy, kahakog, walang magpa-type sa kanya dahil ihahanda pa niya ang snacks natin.
Kahakog: Ay sus, siyaro naman boss, konti lang tong ipapatype ko.
kabangis: Gawin mo yang report habang nag-aantay tayo sa iba.
Kahakog: Pero nakakapagod ang....
Kabangis: Obey first before you complain. Understand?
Kahakog: Shek! Di tayo makalusot sa lalaking to.
(pasok kalagot... inis na inis siya)
Kabangis: Ay salamat dumating na ang isa pang kagwang. At bakit ngayon ka lang? Kalagot? At bakit naman naiinis ang iyong mukha? Ha?
Kalagot: Sinong di maiinis sa ginawa ni Kahakog, mahal naming pangulo. makasarili talaga siya. May deal kami na dadaanan nya ako dahil nasira ang aking Jumbo Jet 747. Pero, tingnan mo nga, di talaga nya ako dinaanan dahil gusto talaga nya na siya ang unang makarating dito. Kaya sumakay na lang ako sa tricycle.
Kahakog: Hoy, wag kang susumbong sumbong diyan, Kalagot. Wala kaming deal, mahal namong kabangis. Naiinis yan siya kasi di siya nakaabot sa kanyang quota.
Kalagot: Shut up, makasarili! Simula ngaun wag mo na akong kilalanin bilang iyong frend. Kung may request ka sakin na kahit ano, wag kang umasang tutulungan kita. Magaling ka lang humingi ng pabor sa iba, pero kung ikaw ang hihingan, masahol ka pasa sa bungol na hindi makarinig! Pweeeeeee!
Kahakog: Oy wag mong sabihin Dong. wa dungga nga wa motuman si kahakog sa iyang saad (di ko matranslate). Mabuti pang umupo ka na lang, kasi pag di ka tumigil kakasatsat, susuntukin kita... tanggal iyong ipin.
Kalagot:Sige, tingnan kung sinong makasurvive. Wag mo kong sinusubukan ngaun kasi masahol pa sa tidal wave ang aking galit.
Kabangis: Ops... ops..ops. Mga frends. Nag-ing ing korigotay na sab mo ay (di ko ulit matranslate) Ang aga aga gusto na ninyong mag-away awa. Kung gusto ninyong mag-away, antayin ninyong matapos tong ating sesyon. Ug Kalagot, wag ka masyadong mag-inis inisan diyan dahil nakakainis tingnan yang mukha mo.
(pasok kasina from right. Maarte maglakad na parang model)
Kasina: Hey what's the matter around here gentlemen? Parang may something wrong dito. Don't tell me na merong kagubot at kalagot ngaun dito. (kagubot-kaguluhan, kalagot-hatred;pagkainis)
Kabangis: And what do you expect, Kasina? Tatawa kami?
Kasina: Please call me Zennie. Pangit ang pangalang Kasina.
Kabangis: At bakit ka natagalan ha? Tingnan mo, ikaw na naman ang pinakahuli. Kalang ka pa magiging maayos inday?
Kasina: Si boss naman, alam mo naman ang dahilan eh. Nagpamanicure pa ako at pedicure. At nagpashampoo pa ako sa hair, dahil my hair is a mess, see? Alam mo naman na hindi makakagalaw/ mkapagtrabaho si Kasina kung hindi muna pupunta sa beauty parlor. Kasi kung hindi siya magpapaganda, hindi tuloy kayo titingin sa aking kagandahan, edi, maiiwanan na ako ni Botsieng igwad! (di ko alam meaning ng igwad)
Kabangis: Tingnan mo ngayang iyong itsura, di ka ba tumingin sa salamin? Anong ikagaganda mo laban kay Kagubot na kahit ano pang gawin mo, masblooming talaga siya kesa sayo.
Kasina: Sabi ko na, meron talagang favoritism dito, pero kahit sa akin yata napapalingon ang lahat, hoy kahakog, di ba masmaganda ako kaysa kay botsie?
Kahakog: (tawa) Kung nakatalikod ka. (tawa ang lahat)
Kasina: Mga wala kayong taste kung kagandahan ang pag-uusapan. Eto yata ang mga itsura ng mga ms. Universe, wow! Kahit plus ten pa yan silang lahat, kasali na si Botsie, hands down talaga sila kung merong beauty contest ngaun. Lahat ata ay ma"stun" sa aking kagandahan! Wow! At wow! pa talaga!
Kahakog: Oy miss tilapia, wag mo masyadong i-admire ang iyong sarili inday. Kasi wala talaga kami nasiyahan sa iyo dito. Except sa aking sarili, walang ibang tao na merong katahum (di ko alam ang meaning) dito sa world.
Kalagot: Kaya nga tinawag kang Kahakog dahil sarili mo lang ang iyong nakikita.
Kahakog: Umandar na naman tong mukhan Volkswagen ay.
Kalagot: Sinong mukhang volks, ha? (aksyon ng suntok si kahakog)
Kabangis:Ano ba??? Sige lang away. Di pa nga tau nakasimula meron ng nabukulan dito. Umupo na kaung lahat at wag nang magsalita.
(upo lahat ng nakasimangot)
Kagubot: At dumating na pala ang reyna ng mga pato.
Kasina: Tse! Itsura lang, sina kaya ang mukhang pato kung maglakad. Tingnan mo nga ang aking poise. Graduate ata ito sa Karilaga Finishing School. Ako yata ang kinopyahan ni MRs. Rabat sa paglalakad.
2/24/2007
First three pages
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment