2/25/2007

part5 at last tapos na!

Gugma: Ang mga natatakot ay yung mga walang stand, takot silang binat-binatin ng bawat panig. ,.... ang love pinapasan ang lahat ng bagay, nag-aantay at nagtitiis sa lahat ng bagay. Wala akong dapat katakutan dito sa inyong kapunungan dahil kahit ano pa ang gawin nyo sa aking body, wala kayong magagawa sa aking paniniwala at pag-iisip dahil wala kayong power na gawing alipin ang aking kaluluwa.
Kabangis: anong wala? Ang prinsipyo ng kadiliman nagbigay sa amin ng power sa pagtempt. Tingnan mo na marami ang natumba. At ako ang unang mag-adjourn sa meeting, sisiguraduhin ko na matutumba ka rin. Kung pagtutungaliin mo ang aming misyon at iyong misyon sino ang makakalusot?
Gugma: Good for those na nagtry kahit mahirap at kahit nakikita nila na parang di sila magtatagumpay. Ang malaking kasalanan at failure, is yung hindi nagtry at nagstrive para mareach ang goal. Pagnangyari ito na lahat ng tao dito sa world eh hindi sumubok, saka nyo sabihin na naging matagumpay kayo.
Kabangis: Kahit buong magdamag taung mag debate dito , di talaga tau matatapos. Bibigya kita ng chance na makamit ang iyong freedom. Kung magagawa mo ito, consider yourself free. Isa lamang ang aking koncisyon, kung gusto mong isave ang iyong sarili from death. Eto yun: maging bahagi ka ng aming kapunungan. Gagawa ako ng job description tungkol sa mga maling ginawa at ikaw ang manager, kung tatanggapin mo, libre ka na, ok?
Gugma:Hindi nyo ba alam na mahirap magsilbi sa dalawang masters? Kahit mag-agree ako na maging under sa iyo, sure ka ba sa aking loyalty?
Kabangis: Ano ka ba, binibigyan na nga kita ng chance, aayaw ayaw ka pa.
kagubot: What if bigyan ka namin ng hasyanda, palasyo, treasures at lahat, basta magretire ka lang, payag ka?
Gugma: Ibigay ninyo yang salapi para sa salapi, at sa kahitaasan ang kaitaasan. Akala nyo ba na lahat ng tao ay mabubulag sa kinang ng salapi? Ang love ay masaya kasama ang truth. Kahit merong magagawa ang salapi, wag kalimutan na may magagawa din ang prinsipyong nagsisilbing foundation/stand.
Kabangis: Na ano ka gugma? Binigyan ka na ng mga posibilidad pero ayaw mo parin kunin. gusto mo ba talgang masaktan bago ka pumayag? Potong, dalhin mo siya sa likod at paluin. Tingnan natin kung di pa ba siya papayag sa sakit ng kanyang katawan. Make sure na dila lang ang di kasali sa pagpalo. (pinalo ni potong si gugma hanggang sa matumba, clap lahat.) Tama na, dalhin mo siya dito. At ngaun Gugma, oo ka na sa aming gusto?
Gugma: (cry) Ang love ay humble at matiisin. Ang gugma hindi naga-envy, ang gugma hindi nagmamayabang, not self seeking, di nagagalit, di pumapansin sa evil.
Kabangis: (shout) Ano ba? Oo ka na o hindi?!!!
Gugma: HIndi!!! Kahit ano pa man, di ko iisipin na papayag sa gusto nyo!
Lahat: Patayin natin siya, kabangis. patayin natin siya!
Kabangis: Isa pang chance, Gugma. Pag-isipan mong mabuti. OO o HIndi?
Gugma: Bakit patatagalin nyo pa tong pag-uusap na ito. Wala na akong patutunguhan, wala na akong malulusutan. Alam nyo na kung anong gagawin sa aikin.
Kabangis: At pinili mo ang kamatayan, iyon ba, Gugma?
Gugma: mas mabuti pa na mamatay ako sa mga paa ng aking diyos, keysa sa mabuhay ako pero naga crawl na parang isang ahas. Meron kayong dapat gawin. At ako naman ay may kapalaran na dapat kong tanggapin.
Lahat: patayin siya! Patayin siya!
Kabangis: Tinatanggap mo na ba ang iyong failure, Gugma?
Gugma: Love never fails. Kayo ang mawawala, matatapos, magfail sa end of time. Itaga nyo yan sa bato ang mga sinasabi ko.
Kabangis: Botsie, kunin mo ang planggana at basahan. Huhugasan ko ang aking hands, Gugma, at nang wala kang ikasisi sa akin. Sa inyo na si Gugma. Gawin nyo ang gusto nyong gawin.
(sinakal nila kahakog... at iba pa except si kabangis, magcheer si Garbo, Potong and Kassamok)
Gugma: Help me! Please help me. Kayo lang makakatulong sa akin. Kayo lang ang maka save sa akin from death. Wag nyo akong pabayaan. Help me.

Gugma: Wala na ba talaga kayonga awa sa akin? Wala na ba talaga kayong maibibigay na tulong upang iligtas ang love sa inyong world? Kung mamamatay ako sa kamay ng mga evil na ito, anong mangyayari sa inyo? Help me... intawon... wag nyo ko hayaang mawala. Tabang... ta... ba.... tab...ngi ko ninyo....
(Gugma dead)
Kabangis: This meeting is adjourned. Potong, iligpit mo ang kanyang body, at ilibing mo dun sa basurahan.)

a morality play in one act

No comments: